-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naiintindihan: Ang salitang Griego na ginamit dito, nous, ay tumutukoy sa kakayahang mag-isip at makaintindi. Sa patnubay ng espiritu, ipinakita ni Pablo na nakakababa sa ibang kaloob ang kakayahang makapagsalita ng iba’t ibang wika. Sinabi niya na mas gugustuhin pa niyang bumigkas ng limang salitang naiintindihan niya at ng iba kaysa bumigkas ng sampung libong salita sa wikang hindi naiintindihan.—1Co 14:11, 13-18.
maturuan: Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay ka·te·kheʹo at puwedeng isalin na “maturuan nang bibigan.”—Tingnan ang study note sa Gaw 18:25.
-