-
1 Corinto 15:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pero dahil sa walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos, ako ay naging kung ano ako ngayon. At hindi nawalan ng kabuluhan ang walang-kapantay na kabaitan niya sa akin, dahil nagpagal ako nang higit kaysa sa kanilang lahat; pero hindi ko ito nagawa sa sarili kong lakas kundi dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos na sumasaakin.
-
-
1 Corinto 15:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Ngunit dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan+ ng Diyos, ako ay naging kung ano nga ako. At ang kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan sa akin ay hindi nawalan ng kabuluhan,+ kundi nagpagal ako nang labis kaysa sa kanilang lahat,+ gayunma’y hindi ako kundi ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na sumasaakin.+
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos, ako ay naging kung ano ako ngayon: Dito, mapagpakumbabang kinikilala ni Pablo na anumang nagawa niya sa paglilingkod kay Jehova ay hindi dahil sa sariling niyang kakayahan. Idiniin niya ang puntong iyan nang tatlong beses niyang banggitin ang “walang-kapantay na kabaitan ng Diyos” sa talatang ito. (Tingnan sa Glosari, “Walang-kapantay na kabaitan.”) Iyan ang konteksto nang sabihin ni Pablo na nagpagal siya nang higit kaysa sa kanilang lahat, o sa iba pang mga apostol. Talagang pinahalagahan ni Pablo ang awang ipinakita ni Jehova nang piliin siya ng Diyos na maging apostol kahit na dati niyang inuusig ang mga Kristiyano. (1Ti 1:12-16) Kaya para maipakita ang pasasalamat niya, nagpagal nang husto si Pablo sa atas niya. Naglakbay siya nang malayo at naglayag sa dagat para maipangaral ang mabuting balita at makapagtatag ng maraming kongregasyon. At bilang bahagi ng kaniyang ministeryo, sumulat siya ng 14 na liham sa patnubay ng espiritu, at naging bahagi ang mga ito ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Pinagkalooban din siya ni Jehova ng kakayahang makapagsalita ng iba’t ibang wika, makakita ng mga pangitain, at makagawa ng mga himala, gaya ng pagbuhay-muli sa patay. (Gaw 20:7-10; 1Co 14:18; 2Co 12:1-5) Para kay Pablo, ang lahat ng atas at pagpapalang ito na tinanggap niya ay walang-kapantay na kabaitan ni Jehova.
-