-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Hindi sa kami ang mga panginoon ng inyong pananampalataya: Nagtitiwala si Pablo na dahil tapat na mga Kristiyano ang mga kapatid niya, gusto nilang gawin ang tama. Matatag sila dahil sa pananampalataya nila, hindi dahil kay Pablo o sa sinumang tao. Ang pandiwang Griego na isinaling “kami ang mga panginoon” (ky·ri·euʹo) ay puwedeng magpahiwatig ng pagkontrol sa iba o pagiging dominante. Sa katunayan, gumamit si Pedro ng kaugnay na termino nang payuhan niya ang matatandang lalaki na huwag ‘mag-astang panginoon sa mga mana ng Diyos.’ (1Pe 5:2, 3) Naunawaan ni Pablo na kahit may awtoridad siya bilang apostol, wala siyang karapatan na kontrolin ang iba. Isa pa, nang sabihin ni Pablo na mga kamanggagawa kami para sa inyong kagalakan, ipinakita niya na hindi sila nakakataas ng mga kasama niya, kundi mga lingkod din sila na ginagawa ang lahat para tulungan ang mga taga-Corinto na maging masaya sa pagsamba kay Jehova.
-