-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kabaitan ng Kristo: Nang sumulat si Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto tungkol sa ilan sa mga pagkukulang nila, hindi siya masakit magsalita. Sa halip, tinularan niya ang kahinahunan at kabaitan ng Kristo. Ang salitang Griego na isinalin ditong “kabaitan” ay literal na nangangahulugang “pagiging mapagparaya” at puwede ring isaling “pagkamakatuwiran.” Kitang-kita kay Kristo Jesus ang katangiang ito. Noong nandito si Jesus sa lupa, lubusan niyang naipakita ang perpektong halimbawa ng pagkamakatuwiran ng Ama niya. (Ju 14:9) Sa katulad na paraan, kahit kailangan ng mga taga-Corinto ng matinding payo, mabait na nakiusap si Pablo sa kanila sa halip na basta mag-utos.
-