-
Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa langit: Inilalarawan dito ni Pablo ang mga pinahirang Kristiyano na tumanggap ng “bawat uri ng espirituwal na pagpapala mula sa langit,” kahit na nandito pa sila sa lupa. Makikita sa konteksto na ‘inatasan’ sila ng Diyos bilang “tagapagmana” sa langit kasama ng kaniyang Anak at na binigyan Niya sila ng garantiya na tatanggap sila ng mana. (Efe 1:11, 13, 14) Kaya kahit nasa lupa pa sila, para silang binuhay, o itinaas, dahil sa natanggap nilang atas.—Efe 1:18-20; 2:4-7.
-