-
Filipos 2:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 dahil gustong-gusto na niyang makita kayong lahat at lungkot na lungkot siya dahil nalaman ninyong nagkasakit siya.
-
-
Filipos 2:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 yamang nananabik siyang makita kayong lahat at nanlulumo sapagkat narinig ninyong siya ay nagkasakit.
-
-
Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gustong-gusto na niyang makita kayong lahat: Ang mababasa sa ilang sinaunang manuskrito ay “hinahanap-hanap niya kayong lahat,” at ganiyan ang salin ng maraming Bibliya. Pero kung pagbabatayan ang iba pang mga manuskrito, matibay ang basehan ng saling ito. Gayunman, halos pareho ng kahulugan ang mga saling ito—gustong-gusto nang makasama ni Epafrodito ang lahat ng Kristiyano sa Filipos.—Tingnan ang Ap. A3.
lungkot na lungkot: Ang terminong Griego na ginamit dito ni Pablo ay isinaling “naghirap ang kalooban” para ilarawan ang naramdaman ni Jesus sa hardin ng Getsemani. (Mat 26:37; Mar 14:33) Ayon sa isang diksyunaryo, nangangahulugan itong “mag-alala; mabagabag.” Lungkot na lungkot si Epafrodito dahil nalaman ng kongregasyon sa Filipos na nagkasakit siya. Posibleng nag-aalala siya dahil baka naisip nilang sa halip na matulungan si Pablo, naging pabigat pa siya rito. Di-nagtagal pagkagalíng ni Epafrodito, pinabalik na siya ni Pablo sa Filipos dala ang liham para sa kongregasyon. Dito (Fil 2:25-29), ipinaliwanag ni Pablo kung bakit napaaga ng uwi si Epafrodito at tiniyak niya sa kongregasyon na malaki ang naitulong sa kaniya ng tapat na lingkod na ito. Siguradong napatibay rin nito si Epafrodito.—Tingnan ang study note sa Fil 2:25, 30.
-