-
1 Tesalonica 5:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Ngayon mga kapatid, hinihiling namin sa inyo na igalang ang mga nagpapagal sa gitna ninyo at nangunguna sa inyo may kaugnayan sa gawain ng Panginoon at nagpapayo sa inyo;
-
-
Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nangunguna sa inyo: O “nagbibigay sa inyo ng tagubilin.” Ang salitang Griego na pro·iʹste·mi ay literal na nangangahulugang “tumayo sa harap,” pero nangangahulugan din itong manguna, mangasiwa, magbigay ng tagubilin, magmalasakit, at mangalaga.
nagpapayo: Ang salitang Griego na ginamit dito (nou·the·teʹo) ay kombinasyon ng mga salita para sa “isip” (nous) at “ilagay” (tiʹthe·mi) at puwedeng literal na isaling “ilagay ang kaisipan sa.” Sa ilang konteksto, puwede rin itong mangahulugang “babalaan,” gaya sa 1Te 5:14.
-