-
2 Tesalonica 2:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At alam na ninyo ngayon kung ano ang nagsisilbing pamigil, nang sa gayon ay maisiwalat siya sa itinakdang panahon para sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kung ano ang nagsisilbing pamigil: Lumilitaw na ang tinutukoy dito ni Pablo na pamigil ay ang tapat na mga apostol bilang isang grupo. Ang mga sinabi ni Pablo, gaya ng mababasa rito at sa iba pang isinulat niya, ay nagpapakita ng sigasig niya sa pagpigil sa paglaganap ng apostasya. (Tingnan din ang Gaw 20:29, 30; 1Ti 4:1-3; 2Ti 2:16, 17; 4:2, 4.) Sinikap ding labanan ni apostol Pedro ang nakalalasong impluwensiyang ito. (2Pe 2:1-3) Pagkalipas ng maraming taon, kahit matanda na si apostol Juan, nilalabanan pa rin niya ang apostasya, pero nagbabala siya na laganap na ito sa mga kongregasyon. (1Ju 2:18; 2Ju 7) Ipinapahiwatig dito ni Pablo na masisiwalat ang “napakasamang tao” kapag ‘wala’ na ang pamigil.—2Te 2:3; tingnan ang study note sa 2Te 2:7.
-