-
1 Timoteo 6:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Isa pa, hindi dapat mawala ang paggalang nila sa mga may-ari sa kanila kahit pa magkapatid sila sa pananampalataya. Sa halip, dapat na mas handa pa silang maglingkod, dahil ang tatanggap ng kanilang mahusay na serbisyo ay mga mananampalataya at minamahal.
Patuloy mong ituro ang mga ito at ibigay ang mga payong ito.
-
-
1 Timoteo 6:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Isa pa, yaong may mga nananampalatayang may-ari+ ay huwag manghamak sa kanila,+ sapagkat sila ay mga kapatid.+ Sa halip, lalo pa nga silang maging handang magpaalipin, sapagkat yaong mga tumatanggap ng pakinabang ng kanilang mabuting paglilingkod ay mga mananampalataya at minamahal.
Patuloy mong ituro ang mga bagay na ito+ at ibigay ang mga payong ito.
-
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga may-ari sa kanila kahit pa magkapatid sila sa pananampalataya: Ipinapaliwanag dito ni Pablo ang dapat gawin kapag parehong Kristiyano ang alipin at ang panginoon nito. Bilang “mga kasamang tagapagmana ni Kristo,” kapantay lang ng mga alipin ang kanilang mga panginoon sa harap ng Diyos. (Ro 8:17) Kaya pinayuhan ni Pablo ang mga Kristiyanong alipin na huwag abusuhin ang kanilang panginoon—na kapatid din nila sa espirituwal—at ibigay pa rin ang buong makakaya nila sa pagtatrabaho. Dahil mahal ng alipin ang kapatid niya, mas lalo pa nga siyang dapat maging tapat at masipag sa paglilingkod. May pananagutan din ang mga Kristiyanong panginoon na pakitunguhan nang patas ang kanilang alipin.—Efe 6:9; Col 4:1.
-