-
2 Timoteo 4:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Si Lucas lang ang kasama ko. Isama mo rito si Marcos dahil malaking tulong siya sa akin sa ministeryo.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Si Lucas lang ang kasama ko: Lumilitaw na sa lahat ng nakasamang maglakbay ni Pablo, si Lucas na lang ang kasama niya sa panahon ng huling pagkabilanggo niya. (Col 4:14; tingnan ang “Introduksiyon sa Gawa.”) Pero maliwanag na may tumulong din sa kanila. Sa 2Ti 4:21, may binanggit ang apostol na di-bababa sa apat na kapatid na nagpadala ng pagbati kay Timoteo at sa mga taga-Efeso. Posibleng mga Kristiyano sila sa kongregasyon doon na nakadalaw kay Pablo.
Isama mo rito si Marcos: Tinutukoy dito ni Pablo si Juan Marcos, ang sumulat ng Ebanghelyo ni Marcos at isa sa mga alagad ni Jesus. (Tingnan ang mga study note sa Gaw 12:12.) Sumama si Marcos kina Pablo at Bernabe sa unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, pero iniwan niya sila at bumalik sa Jerusalem. (Gaw 12:25; 13:5, 13) Dahil diyan, hindi pumayag si Pablo na isama siya sa sumunod na paglalakbay nila. (Gaw 15:36-41) Pero makalipas ang mga 10 taon, nagkasama sina Pablo at Marcos sa Roma. Noong mga panahong iyon, maganda na ang mga sinabi ni Pablo tungkol kay Marcos, na nagpapakitang nagkaayos na sila at na itinuturing na siya ni Pablo na isang maaasahang kapatid. (Flm 23, 24; tingnan ang study note sa Col 4:10.) Dahil pinagkakatiwalaan na ni Pablo ang tapat na ministrong Kristiyanong ito, sinabi niya kay Timoteo: “Isama mo rito si Marcos dahil malaking tulong siya sa akin sa ministeryo.”
-