-
2 Timoteo 4:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sa una kong pagtatanggol, walang pumanig sa akin at pinabayaan nila ako; huwag nawa itong singilin sa kanila ng Diyos.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sa una kong pagtatanggol: Sa batas ng Roma, posibleng mabigyan ng maraming pagkakataon sa isang paglilitis ang akusado na ipagtanggol ang sarili niya. Malamang na ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang una sa mga pagtatanggol na ginawa niya sa ikalawang pagkabilanggo niya sa Roma noong mga 65 C.E, noong panahong isinusulat niya rin ang liham na ito. Sinasabi ng ilan na ang unang pagtatanggol na tinutukoy dito ni Pablo ay ang ginawa niya noong una siyang mabilanggo noong mga 61 C.E. (Gaw 28:16, 30) Pero hindi makatuwirang isipin na kailangan pang ipaalam ni Pablo kay Timoteo ang mga pangyayaring alam na nito.—Col 1:1, 2; 4:3.
huwag nawa itong singilin sa kanila ng Diyos: Lumilitaw na tinutukoy dito ni Pablo ang mga kapananampalataya niyang hindi sumuporta sa kaniya sa “una [niyang] pagtatanggol,” na inilarawan niyang isang napakasamang karanasan. (2Ti 4:17) Pero natuto si Pablo kay Kristo na magpatawad. Iniwan si Jesus ng pinakamatatalik niyang kaibigan noong arestuhin siya. (Mar 14:50) Gaya ni Jesus, ayaw ni Pablo na magtanim ng sama ng loob sa kaniyang mga kapatid.—Tingnan ang study note sa 1Co 13:5.
-