-
Tito 3:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 dahil alam mong lumihis na sa daan ang gayong tao at nagkakasala na siya at nahatulan na dahil sa sarili niyang paggawi.
-
-
Mga Study Note sa Tito—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lumihis na sa daan: Inilalarawan ng ekspresyong ito ang isang tao na lumihis “mula sa kung ano ang tinatanggap na totoo o tama.” Ayon sa ilang iskolar, ang orihinal na pandiwang Griego na ginamit dito ay nangangahulugang “bumaligtad,” na puwedeng magpahiwatig na binabaluktot ng isa ang katotohanan mula sa Kasulatan. Dapat itakwil, o itiwalag sa kongregasyon, ang ganitong tao.
nahatulan na dahil sa sarili niyang paggawi: Ipinapakita ng ekspresyong ito kung gaano kaseryoso ang pagtataguyod ng sekta sa kongregasyon. May ilan na may pag-aalinlangan lang pero handa namang makinig; pero hindi ganiyan ang isang taong ayaw pa ring magbago “matapos paalalahanan nang dalawang beses.” (Tit 3:10; Jud 22, 23) Nahatulan na siya at mapupuksa sa hinaharap dahil sa katigasan ng ulo niya at sadyang pagsira sa pagkakaisa ng kongregasyon.—2Pe 2:1.
-