-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
subukin: Malawak ang kahulugan ng ekspresyong Griego na ginamit dito, at puwede rin itong isaling “tuksuhin” sa ibang konteksto. Ginagamit ito para sa maliliit o malalaking pagsubok sa pananampalataya. (1Co 10:13; Heb 4:15; 11:17; Apo 2:10) Nasubok si Jesus sa maraming paraan. Sa simula pa lang ng ministeryo niya, tatlong beses na siyang tinukso ni Satanas, ang “tagapamahala ng mundo.” (Ju 14:30; Mat 4:1-11) At pagkatapos nito, maraming beses pa siyang nasubok. Sa ilang pagkakataon pa nga, mga kaibigan niya ang dahilan. (Mat 16:22, 23) Natapos ang ministeryo ni Kristo sa pinakamatinding pagsubok—ang mamatay sa pahirapang tulos. (Heb 12:2) Sa lahat ng pagsubok na iyon, hindi nawala ang katapatan ni Jesus dahil mahal niya ang Ama niya.—Ju 14:31.
matutulungan niya: Dahil nasubok at nagdusa nang husto si Jesus, talagang naiintindihan niya ang pagdurusa ng mga tagasunod niya. “Nauunawaan [niya] ang mga kahinaan natin.” (Heb 4:15, 16) Ipinakita ni Pablo na bilang maawain at maunawaing mataas na saserdote, tinutulungan ni Kristo ang mga tagasunod niya. (Heb 2:17; tingnan ang study note sa Heb 2:16.) Tinupad niya ang pangako niyang makakasama nila siya hanggang wakas. (Mat 28:20) Sinusuportahan niya sila sa maraming paraan sa pamamagitan ng banal na espiritu ni Jehova.—Luc 11:13; 12:11, 12; Ju 14:13, 14, 16, 26; 15:26.
-