-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dakilang mataas na saserdote: Nabanggit na ni Pablo sa liham niya na mataas na saserdote si Jesus. (Heb 3:1; tingnan ang study note sa Heb 2:17.) Pero dito, dinagdagan niya ang titulong ito ng ‘dakila.’ (Ihambing ang Heb 10:21.) Ipinakita sa sumunod pang bahagi ng liham kung paano nakahihigit si Jesus sa lahat ng mataas na saserdote sa angkan ni Aaron.—Heb 4:14–7:28.
na pumasok sa langit: Sinimulan dito ni Pablo ang paliwanag niya kung bakit nakahihigit ang pagkasaserdote ni Kristo kumpara sa matataas na saserdoteng naglingkod sa tabernakulo at templo. Sa Kautusang Mosaiko, papasok ang mataas na saserdote sa Kabanal-banalan minsan sa isang taon para ihandog ang dugo ng hayop na pambayad-sala para sa bansang Israel. (Heb 9:7) Pero pagkatapos buhaying muli ang dakilang Mataas na Saserdoteng si Jesus, pumasok siya “sa langit mismo” para iharap sa Diyos ang halaga ng dugo niya. Sapat na ang handog na iyon para mabayaran ang kasalanan ng lahat ng nananampalataya sa kaniya at matubos sila.—Heb 9:11, 12, 23, 24; 10:1-4.
-