Gitnang Silangan
Tumutukoy ito sa timog-kanlurang Asia.
Walang malinaw na hangganan ang rehiyong ito. Pero ginagamit ang terminong Gitnang Silangan para tukuyin ang lupain mula sa Turkey sa kanluran hanggang sa Iran sa silangan (sinasabi ng ilan na umaabot ito sa Ilog Indus na nasa Pakistan ngayon). Saklaw rin nito ang rehiyon ng Caucasus sa hilaga hanggang sa Arabian Peninsula sa timog, at kadalasang kasama rito ang Ehipto. Tinatawag ito ng ilan na Kanlurang Asia. Tinatawag din itong “Near East” dahil malapit ito sa Europa.