Senturyon
Isang opisyal sa sinaunang hukbong Romano. Kadalasan nang ang mga lehiyon sa Roma ay may mga 6,000 sundalo at hinahati sa 60 century, o grupo ng tig-100 sundalo, at ang bawat grupo ay pinangungunahan ng isang senturyon.
Ang matataas na opisyal na ito ang pinakaimportante sa lehiyon, at mas mataas ang suweldo nila kaysa sa karaniwang sundalo. Ang ilan sa mga “opisyal ng hukbo” na ito ay may magandang ulat sa Kasulatan. Ang isa ay pinuri dahil sa kaniyang malaking pananampalataya. (Mat 8:5-10, 13) Ang isa pa ay si Cornelio. Siya at ang mga kamag-anak niya ang unang di-tuling Gentil na naging Kristiyano.—Mar 15:39; Gaw 10:1, 44, 45; 27:1, 43.