-
Ang Tagapakinig ay Napatibay at NapalakasMakinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
-
-
Jehova ay nagmamalasakit sa kanila at na siya ay talagang tutulong sa kanila hanggang sa malampasan ang anumang pagsubok na napapaharap sa kanila sa kasalukuyan.—Isa. 41:10, 13; 1 Ped. 5:7.
Magpakita ng Kaluguran sa Ginagawa ng Diyos Ngayon. Kapag pinagsisikapang patibayin ang iyong mga kapatid, akayin ang pansin sa mismong ginagawa ni Jehova sa ngayon. Ang pagsasalita tungkol sa mga bagay na ito sa paraang nagpapakita na kinalulugdan mo ang mga ito ay aantig ng gayunding damdamin sa puso ng iyong mga tagapakinig.
Isaalang-alang kung paano tayo tinutulungan ni Jehova na harapin ang mga kagipitan sa buhay. Ipinakikita niya sa atin ang pinakamabuting paraan ng pamumuhay. (Isa. 30:21) Ipinaliliwanag niya ang sanhi ng krimen, kawalan ng katarungan, karukhaan, karamdaman, at kamatayan at sinasabi sa atin kung paano niya wawakasan ang lahat ng ito. Pinalilibutan niya tayo ng maibiging kapatiran. Pinagkakalooban niya tayo ng napakahalagang pribilehiyo ng panalangin. Ipinagkakatiwala niya sa atin ang pribilehiyo ng pagiging kaniyang mga Saksi. Binubuksan niya ang ating mga mata upang makita na si Kristo ay nakaluklok na sa langit at na ang mga huling araw ng matandang sistema ay mabilis na sumasapit sa katapusan.—Apoc. 12:1-12.
Idagdag pa sa mga pagpapalang iyon ang ating mga pulong sa kongregasyon, mga asamblea, at mga kombensiyon. Kapag ang paraan ng iyong pagsasalita tungkol sa mga paglalaang ito ay nagpapakita ng tunay na pagpapahalaga sa mga ito, mapatitibay mo ang determinasyon ng iba na huwag pabayaan ang pakikipagtipon sa kanilang mga kapatid.—Heb. 10:23-25.
Ang mga ulat na nagpapatunay na pinagpapala ni Jehova ang ating mga pagsisikap sa ministeryo sa larangan ay pinagmumulan din ng kalakasan. Noong unang siglo nang sina Pablo at Bernabe ay patungo sa Jerusalem, “malaking kagalakan ang idinudulot nila sa lahat ng mga kapatid” sa pamamagitan ng detalyadong paglalahad sa pagkakumberte ng mga tao ng mga bansa. (Gawa 15:3) Ikaw rin ay makapagdudulot ng kagalakan sa mga kapatid sa paglalahad sa kanila ng nakapagpapatibay na mga karanasan.
Nagdudulot ng karagdagang pampatibay-loob kapag ang mga indibiduwal ay natutulungang makita ang kahalagahan ng kanilang ginagawa. Papurihan sila dahil sa pakikibahagi nila sa Kristiyanong ministeryo. Papurihan yaong ang mga nagagawa ay lubhang nalilimitahan dahil sa katandaan at karamdaman subalit nagtitiis nang may katapatan. Ipaalaala sa kanila na hindi nalilimutan ni Jehova ang pag-ibig na kanilang ipinakita para sa kaniyang pangalan. (Heb. 6:10) Ang pananampalatayang napatunayan sa ilalim ng pagsubok ay isang walang kasinghalagang pag-aari. (1 Ped. 1:6, 7) Ang ating mga kapatid ay kailangang mapaalalahanan hinggil dito.
Magsalita Nang May Damdamin Hinggil sa Pag-asa sa Hinaharap. Ang kinasihang mga pangako hinggil sa mga bagay na darating ay pinagmumulan ng malaking pampatibay-loob para sa lahat ng umiibig sa Diyos. Marahil ang karamihan sa iyong tagapakinig ay madalas nang makarinig ng mga pananalitang ito. Subalit sa ipinakikita mong pagpapahalaga kapag nagsasalita ka tungkol sa mga pangakong ito, maaari mong buhayin ang mga ito, ikintal ang pagtitiwala sa katuparan ng mga ito, at paapawin ang mga puso taglay ang pasasalamat. Ang pagkakapit mo ng iyong mga natutuhan sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ay makatutulong sa iyo upang magawa iyan.
Si Jehova mismo ang Dakilang Tagapagpatibay-loob at Tagapagbigay ng kalakasan sa kaniyang bayan. Gayunpaman, maaari kang makipagtulungan sa kaniya sa paghahatid ng gayong mga pagpapala. Kapag nagsasalita ka sa kongregasyon, gamiting mabuti ang pagkakataon upang gawin iyan.
-
-
Patuloy na Gumawa ng PagsulongMakinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
-
-
Patuloy na Gumawa ng Pagsulong
PERSONAL mo na bang naikapit ang bawat isa sa mga puntong ipinapayo sa programang ito ng paaralan? Nakumpleto mo na rin ba ang inirekomendang mga pagsasanay? Ikinakapit mo ba ang bawat punto kapag nagpapahayag, maging sa paaralan o sa iba pang mga pulong, at kapag nakikibahagi sa ministeryo sa larangan?
Patuloy na makinabang mula sa edukasyon sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Gaano mang katagal ka nang nagbibigay ng mga pahayag, may mga larangan na maaari mo pang higit na mapasulong.
-