FEATURE
Mga Paglalakbay ni Abraham
DAPAT tayong maging lubhang interesado ngayon sa buhay ni Abraham. Bakit? Sapagkat sa kaniya sinabi ni Jehova: “Tiyak na pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili sa pamamagitan mo.” Gayunpaman, upang makamit ni Abraham ang gayong papel sa layunin ng Diyos, kailangan niyang patunayan na siya ay isang taong may pananampalataya at masunurin sa Diyos.—Gen 12:1-3; Gaw 7:2, 3.
Kinailangan niyang iwanan ang kaniyang tahanan at mga kamag-anak sa maunlad na Ur, anupat hindi na siya kailanman babalik doon. Naglakad siya at gumamit ng sinaunang mga transportasyon nang maglakbay siya nang mga 960 km (600 mi) patungong Haran. Noong Nisan 14, 1943 B.C.E., tinawid niya ang Ilog Eufrates at naglakbay patungong timog. Sa wakas ay nakarating siya sa pinakasentro ng Canaan matapos maglakbay nang may kabuuang mga 1,650 km (1,025 mi).
Nang dumating ang takdang panahon ni Jehova, sa gitna ng mga inapo ni Abraham, pinangyari ng Diyos na ang kaniyang sariling Anak mula sa langit, si Jesus, ay maipanganak bilang tao. Sa pamamagitan ni Jesus, naging posible ang pagtatamo natin ng pagpapalang buhay na walang hanggan.