ASTEROT-KARNAIM
Ang lugar kung saan natalo ni Kedorlaomer, hari ng Elam, ang mga Repaim. (Gen 14:5) Ipinapalagay ng ilan na ito ang buong pangalan ng Astarot at na ang idinagdag na “karnaim” (mga sungay) ay tumutukoy sa dalawang sungay ng buwang gasuklay na sumasagisag sa diyosang si Astarte o kaya’y sa kambal na taluktok na karatig ng bayan. Sinasabi naman ng iba na ang pangalang ito ay nangangahulugang “Asterot na Malapit sa Karnaim” at sa gayon ay tumutukoy sa lunsod ng Astarot anupat binanggit ang Karnaim bilang isang hiwalay ngunit karatig na bayan. Ipinapalagay na ang Karnaim ay matatagpuan sa Sheikh Saʽad, na nasa kapaligiran ng karaniwang itinuturing na lugar ng Astarot (Tell ʽAshtarah).—Tingnan ang ASTAROT.