Ang Pang-araw-araw na Buhay sa Sinaunang Israel Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
FEATURE
Ang Pang-araw-araw na Buhay sa Sinaunang Israel
PAANO kaya ang pang-araw-araw na buhay noong panahon ng Bibliya? Anong uri ng mga tahanan ang tinirahan ng karaniwang mga tao? Anu-anong uri ng trabaho ang ginawa nila? Ano ang kanilang mga kaugalian? Ang pagkakaroon mo ng ilang kaalaman tungkol sa mga bagay na ito ay makatutulong sa iyo upang mailarawan mo sa iyong isip ang mga ulat sa Bibliya. Kung minsan, ang saligang impormasyon ding iyon ang susi sa pag-unawa sa kahulugan ng mga kasulatan.
Karamihan sa mga bahay, tulad ng isang ito sa Jerusalem, ay may patag na mga bubong kung saan ang mga tao ay maaaring dumalaw, maglakad-lakad kapag malamig ang gabi, o matulog pa nga (Luc 17:31 )
Mga sinaunang lampara na yari sa luwad at pinagniningas ng langis (Mat 25:1-4 )
Isang uri ng pambahay na pugon na karaniwan sa mga Israelita (Lev 26:26 )
Kadalasang sa balikat pinapasan ng Hebreong mga lalaki at mga babae ang kanilang dala-dala (Gen 24:15; Bil 7:9 )
Iba’t iba ang laki at hugis ng mga sisidlan, karaniwan nang luwad, kung minsan ay yari sa bato (1Ha 17:12 )
Noong panahon ng Bibliya, ang mga butil ay ginagapas gamit ang kamay (itaas), ginigiik sa pamamagitan ng mga paa ng hayop o ng panggiik na kareta para ihiwalay ang ipa mula sa butil, at tinatahip sa pamamagitan ng pagsasaboy ng butil para liparin ng hangin ang ipa
Noong panahon ng Bibliya, ang mga butil ay ginagapas gamit ang kamay, ginigiik sa pamamagitan ng mga paa ng hayop o ng panggiik na kareta para ihiwalay ang ipa mula sa butil (itaas), at tinatahip sa pamamagitan ng pagsasaboy ng butil para liparin ng hangin ang ipa
Noong panahon ng Bibliya, ang mga butil ay ginagapas gamit ang kamay, ginigiik sa pamamagitan ng mga paa ng hayop o ng panggiik na kareta para ihiwalay ang ipa mula sa butil, at tinatahip (itaas) sa pamamagitan ng pagsasaboy ng butil para liparin ng hangin ang ipa
Isang gilingang-bato na malamang na ginamit sa pagpisa sa mga olibo upang katasin ang langis (Bil 18:27 )
Gilingang pangkamay, ginagamit sa paggiling ng mga butil upang maging harina (Mat 24:41 )
Ang pagpapastol ay isang karaniwang hanapbuhay noong panahon ng Bibliya (Luc 15:4 )
Ang mga buriko, o mga asno, ay madalas gamitin bilang mga hayop na pantrabaho (1Cr 12:40 )
Mga balon ang karaniwang pinagkukunan ng tubig sa lupaing iyon, noon at hanggang sa ngayon (Gen 29:10 )
Babaing may sunong na basket, gaya ng makikita kung minsan sa Gitnang Silangan