FEATURE
Mga Pangyayari sa Buhay ni Jacob
NILINGAP ng Diyos si Jacob sapagkat nagpakita siya ng masidhing pagpapahalaga sa mga bagay na sagrado. (Heb 12:16, 17) Tiniyak ni Jehova kay Jacob na mamanahin ng kaniyang supling ang lupaing ipinangako kay Abraham, at sinabi pa Niya: “Sa pamamagitan ng iyong binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili.”—Gen 28:4, 10-15.
Bagaman pinagpala siya ng materyal na kayamanan at 12 anak na lalaki, dumanas din si Jacob ng mga kapighatian sa buhay. Ngunit hindi siya kailanman nawalan ng pananampalataya kay Jehova at sa Kaniyang salita. Kahit noong mamamatay na siya, nagpahayag siya ng pananampalataya sa Mesiyanikong pangako. (Gen 49:10) Mula sa mga supling ni Jacob ay isinilang si Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ay pagpapalain ng Diyos ang sangkatauhan nang walang hanggan.