-
JudaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Dahil sa walang-hanggang tipan ukol sa isang Kaharian na ipinakipagtipan kay David, tinaglay ng tribo ni Juda ang setro at ang baston ng kumandante sa loob ng 470 taon. (Gen 49:10; 2Sa 7:16) Ngunit noon lamang panahon ng mga paghahari nina David at Solomon nagkaroon ng nagkakaisang kaharian, kung kailan lahat ng tribo ng Israel ay nagpapatirapa sa harap ng Juda. Dahil sa pag-aapostata ni Solomon nang papatapos na ang kaniyang paghahari, pinunit ni Jehova ang sampung tribo mula sa sumunod na Judeanong hari, si Rehoboam, at ibinigay ang mga ito kay Jeroboam. (1Ha 11:31-35; 12:15-20) Tanging ang mga Levita at ang mga tribo nina Benjamin at Juda ang nanatiling matapat sa sambahayan ni David.—1Ha 12:21; 2Cr 13:9, 10.
-
-
JudaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Hindi Naiwala ang Pamamahala. Gayunman, ang kapaha-pahamak na wakas na ito ng kaharian ng Juda ay hindi nangangahulugang naalis ang setro at ang baston ng kumandante mula sa tribo nang habang panahon. Ayon sa hula ni Jacob nang mamamatay na siya, ang tribo ni Juda ang pagmumulan ng permanenteng maharlikang tagapagmana, ang Shilo (nangangahulugang “Siya na Nagmamay-ari Nito; Siya na Kinauukulan Nito”). (Gen 49:10) Kaya naman bago ang pagbagsak ng kaharian ng Juda, angkop na sinabi ni Jehova kay Zedekias, sa pamamagitan ni Ezekiel, ang mga salitang ito: “Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona. Hindi na ito magiging gaya ng dati. Itaas mo ang mababa, at ibaba mo ang mataas. Kagibaan, kagibaan, kagibaan ang gagawin ko roon. Kung tungkol din dito, hindi nga iyon aariin ninuman hanggang sa dumating siya na may legal na karapatan, at ibibigay ko iyon sa kaniya.” (Eze 21:26, 27) Ang isa na may legal na karapatan, gaya ng ipinahiwatig sa patalastas ng anghel na si Gabriel sa birheng Judio na si Maria pagkaraan ng mga 600 taon, ay walang iba kundi si Jesus, ang anak ng Diyos. (Luc 1:31-33) Samakatuwid, angkop na taglayin ni Jesu-Kristo ang titulong “ang Leon na mula sa tribo ni Juda.”—Apo 5:5.
-