-
Kaaliwan Para sa mga NagdurusaAng Bantayan—2003 | Enero 1
-
-
Hindi nilikha ng Diyos ang mga tao upang magdusa. Sa kabaligtaran, pinagkalooban niya ang unang mag-asawang tao, sina Adan at Eva, ng sakdal na isip at katawan, pinaghandaan ng isang kalugud-lugod na hardin upang magsilbing tahanan nila, at inatasan sila ng makabuluhan at kasiya-siyang gawain. (Genesis 1:27, 28, 31; 2:8) Gayunman, ang kanilang patuloy na kaligayahan ay nakasalalay sa kanilang pagkilala sa pamamahala ng Diyos at sa kaniyang karapatang magpasiya kung ano ang mabuti at masama. Ang isang punungkahoy na tinawag na “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama” ang kumatawan sa utos na iyon ng Diyos. (Genesis 2:17) Maipakikita nina Adan at Eva ang kanilang pagpapasakop sa Diyos kung susundin nila ang kaniyang utos na huwag kumain mula sa punungkahoy na iyon.a
-
-
Kaaliwan Para sa mga NagdurusaAng Bantayan—2003 | Enero 1
-
-
a Sa talababa nito sa Genesis 2:17, ipinaliliwanag ng The Jerusalem Bible na “ang pagkakilala ng mabuti at masama” ay “ang kakayahang magpasiya . . . kung ano ang mabuti at masama at ang pagkilos kasuwato nito, isang pag-aangkin ng ganap na kasarinlan sa moral na sa pamamagitan nito ay tinatanggihang kilalanin ng tao ang kaniyang katayuan bilang isang nilikha.” Sinasabi pa nito: “Ang unang kasalanan ay pagsalakay sa pagkasoberano ng Diyos.”
-