-
Karunungan sa Buhay sa Isang Masalimuot na DaigdigGumising!—2002 | Nobyembre 22
-
-
Tinutulungan tayo ng Bibliya hinggil sa masalimuot na usaping ito sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa pangmalas ng Diyos hinggil sa di-pa-naisisilang na sanggol. Sa sinaunang Israel, kapag nasaktan ng isang tao ang babaing nagdadalang-tao at alinman sa siya o ang kaniyang ipinagdadalang-tao ay namatay bunga nito, itinuturing ng Diyos na mamamatay-tao ang taong may pananagutan dito. Kailangang magbayad ng “kaluluwa para sa kaluluwa” ang taong iyon.a (Exodo 21:22, 23) Kaya mahihinuha natin na ang lahat ng buhay ng tao ay banal para sa Maylalang, kasali na ang buhay ng di-pa-naisisilang na sanggol. Sa katunayan, nagsisimulang magmalasakit ang Diyos sa atin samantalang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang, gaya ng isinisiwalat ng salmista: “Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi, at sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito.”—Awit 139:16.
-
-
Karunungan sa Buhay sa Isang Masalimuot na DaigdigGumising!—2002 | Nobyembre 22
-
-
a Ikinakatuwiran pa nga ng ilan na tumutukoy lamang ang batas na ito sa karahasang ginawa sa ina. Subalit iba naman ang ipinakikita ng orihinal na tekstong Hebreo. Sinasabi ng iginagalang na mga iskolar sa Bibliya na sina C. F. Keil at F. Delitzsch na ang pananalita sa tekstong Hebreo ay “maliwanag na imposibleng tumukoy sa mga salitang bumabanggit sa pinsalang ginawa lamang sa babae.”—Tingnan ang The Watchtower, Agosto 1, 1977, pahina 478.
-