ARALIN 39
Ang Pananaw ng Diyos sa Dugo
Napakahalaga ng dugo. Kung wala ito, hindi tayo mabubuhay. Bilang ating Maylalang, Diyos lang ang may karapatang magsabi kung paano dapat gamitin ang dugo. Ano ang sinasabi niya tungkol sa dugo? Puwede ba natin itong kainin? O puwede ba tayong magpasalin ng dugo? Paano ka makakagawa ng tamang desisyon tungkol dito?
1. Ano ang pananaw ni Jehova sa dugo?
Sinabi ni Jehova sa mga mananamba niya noong panahon ng Bibliya: “Ang buhay ng bawat nilikha ay ang dugo nito.” (Levitico 17:14) Para kay Jehova, ang dugo ay lumalarawan sa buhay. Ang buhay na iniregalo ng Diyos ay banal. Kaya banal, o espesyal, din ang dugo.
2. Anong paggamit sa dugo ang ipinagbabawal ng Diyos?
Bago ang panahong Kristiyano, iniutos ni Jehova sa mga mananamba niya na huwag kainin ang dugo. (Basahin ang Genesis 9:4 at Levitico 17:10.) Pagkatapos maitatag ang kongregasyong Kristiyano, inulit niya ang utos na ito. Sinabihan ng lupong tagapamahala ang mga Kristiyano na “patuloy na umiwas . . . sa dugo.”—Basahin ang Gawa 15:28, 29.
Ano ang ibig sabihin ng pag-iwas sa dugo? Kapag sinabihan ka ng doktor na umiwas sa alak, hindi ka na iinom nito. Pero ibig bang sabihin, puwede mong kainin ang mga pagkain na may halong alak o magpapaturok ka nito sa ugat mo? Siyempre hindi. Ganiyan din pagdating sa dugo, hindi tayo kakain o iinom nito, o kakain ng karne na hindi pinatulo ang dugo. Hindi rin tayo kakain ng pagkain na may halong dugo.
Pero paano naman ang paggamit ng dugo sa medisina? May ilang paraan ng paggamot na malinaw na labag sa batas ng Diyos. Kasama rito ang pagpapasalin ng purong dugo o anumang pangunahing sangkap nito—pulang selula, puting selula, platelet, at plasma. Pero may ilang paraan naman ng paggamot na hindi espesipikong mababasa sa Bibliya kung labag sa utos ng Diyos o hindi. Halimbawa, may ilang paraan ng paggamot na gumagamit ng blood fractions mula sa pangunahing sangkap ng dugo. Ang iba naman ay ginagamitan ng sariling dugo ng pasyente. Sa mga paraang ito ng paggamot, ang bawat isa ay dapat gumawa ng personal na desisyon.a—Galacia 6:5.
PAG-ARALAN
Alamin kung paano ka makakagawa ng desisyon tungkol sa paraan ng paggamot na may kaugnayan sa dugo.
3. Gumawa ng desisyon tungkol sa pagpapagamot na magpapasaya kay Jehova
Paano ka makakagawa ng desisyon na katugma ng pananaw ng Diyos? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin kung bakit mahalagang sundin ang mga ito:
Manalangin para sa karunungan.—Santiago 1:5.
Mag-research ng mga prinsipyo sa Bibliya at kung paano ito susundin.—Kawikaan 13:16.
Alamin kung ano ang puwede mong pagpilian sa lugar ninyo.
Alamin kung alin sa mga pagpipilian ang hindi mo tatanggapin.
Siguraduhing magkakaroon ka ng malinis na konsensiya sa pipiliin mo.—Gawa 24:16.b
Tandaan na pagdating sa mga desisyong nakadepende sa konsensiya, walang dapat magdesisyon para sa iyo—kahit ang asawa mo, mga elder, o ang nagtuturo sa iyo ng Bibliya.—Roma 14:12.
Isulat ang mga gagawin mong desisyon.
4. Pinakamagandang paraan ng paggamot ang gusto ng mga Saksi ni Jehova
Puwede nating sundin ang batas ng Diyos tungkol sa dugo at kasabay nito, makakuha ng pinakamagandang paraan ng paggamot na walang kasamang dugo. Panoorin ang VIDEO.
Basahin ang Tito 3:2. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Bakit dapat tayong maging mahinahon at magpakita ng respeto kapag nakikipag-usap sa mga doktor?
Di-katanggap-tanggap |
Personal na desisyon |
---|---|
A. Plasma |
Fractions mula sa plasma |
B. Puting selula |
Fractions mula sa puting selula |
C. Platelet |
Fractions mula sa platelet |
D. Pulang selula |
Fractions mula sa pulang selula |
5. Blood fractions at paraan ng paggamot
Ang dugo ay binubuo ng apat na pangunahing sangkap—pulang selula, puting selula, platelet, at plasma. Maraming maliliit na bahagi ang mga sangkap na ito, na tinatawag na blood fractions.c Ang ilan sa blood fractions ay ginagamit sa medisina para labanan ang mga sakit o mapahinto ang pagdurugo.
Pagdating sa blood fractions, ang bawat Kristiyano ay dapat gumawa ng desisyon ayon sa kaniyang konsensiya na sinanay sa Bibliya. Baka tanggihan ng iba ang ilang paraan ng paggamot na may blood fractions. Ang iba naman, baka tanggap ng konsensiya nila ang ilan sa mga ito.
Bago gumawa ng desisyon, pag-isipan ang tanong na ito:
Paano ko ipapaliwanag sa doktor ko na tinatanggihan ko o tinatanggap ko ang isang partikular na paraan ng paggamot na may blood fractions?
KUNG MAY MAGTANONG: “Ano’ng masama sa pagpapasalin ng dugo?”
Paano mo ito sasagutin?
SUMARYO
Gusto ni Jehova na iwasan natin ang maling paggamit ng dugo.
Ano ang Natutuhan Mo?
Bakit itinuturing ni Jehova na banal, o espesyal, ang dugo?
Paano natin nalaman na kasama ang pagpapasalin ng dugo sa utos ng Diyos na umiwas sa dugo?
Paano ka makakagawa ng tamang desisyon pagdating sa paggamit ng dugo sa pagpapagamot?
TINGNAN DIN
Ano ang dapat mong pag-isipan bago ka magdesisyon kung tatanggapin mo ang isang paraan ng paggamot gamit ang sarili mong dugo?
“Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” (Ang Bantayan, Oktubre 15, 2000)
Ano ang dapat mong pag-isipan bago ka magdesisyon kung tatanggapin mo ang blood fractions?
“Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” (Ang Bantayan, Hunyo 15, 2004)
Bakit naniwala ang isang doktor na tama ang pananaw ni Jehova tungkol sa dugo?
“Tinanggap Ko ang Pangmalas ng Diyos Hinggil sa Dugo” (Gumising!, Disyembre 8, 2003)
Tingnan kung paano tinutulungan ng mga elder na naglilingkod sa Hospital Liaison Committee ang mga kapatid.
b Tingnan ang number 5, “Blood Fractions at Paraan ng Paggamot” at Karagdagang Impormasyon 3, “Paraan ng Paggamot na May Kaugnayan sa Dugo.”
c Itinuturing ng ilang doktor na fractions ang apat na pangunahing sangkap ng dugo. Kaya kailangan mong siguraduhin na naiintindihan ng doktor mo ang desisyon mo na hindi ka magpapasalin ng purong dugo o pulang selula, puting selula, platelet, o plasma.