KABAN
1. Ang lalagyang yari sa kahoy ng akasya kung saan itinago ang ikalawang pares ng mga tapyas na bato na doon nakasulat ang Kautusang ibinigay kay Moises sa Bundok Sinai hanggang noong magawa ang kaban ng patotoo pagkaraan ng ilang buwan. (Deu 10:1-5) Ang salitang Hebreo na ʼarohnʹ, na isinaling “kaban” sa Deuteronomio 10:1-5, ay isinasalin sa ibang mga talata bilang “kabaong” (Gen 50:26) at “kahon.”—2Ha 12:9, 10, tlb sa Rbi8; 2Cr 24:8, 10, 11.
2. Tingnan ang KABAN NG TIPAN.