ANAK
[malamang, Mahaba ang Leeg [samakatuwid nga, matangkad]].
Ang pangalang ito ay tumutukoy sa isang tribo ng mga lalaking di-pangkaraniwan ang tangkad at marahil ay pati sa ninunong pinagmulan ng mga ito. Sa Bilang 13:22 at 28, may pantukoy na ginamit kasama ng pangalang ito sa Hebreo (ha·ʽAnaqʹ). Kung ito ang personal na pangalan ng anak ni “Arba [na] ama ni Anak” (Jos 15:13), ikinapit din noon ang pangalang ito sa kaniyang mga inapo. (Ihambing ang Jos 15:14 sa 14:15, kung saan si Arba ay tinatawag na “ang dakilang tao sa mga Anakim.”)—Tingnan ang ANAKIM, MGA.