ETER
Isang lunsod ng Sepela sa teritoryo ng Juda, ngunit itinakda sa Simeon. (Jos 15:33, 42; 19:1-9) Sa ngayon, karaniwang ipinapalagay na ito ang Khirbet el-ʽAter (Tel ʽEter), na mga 1.5 km (1 mi) sa HK ng Beit Jibrin (Eleutheropolis; Bet Guvrin). Ang ulat ng Josue 19:7 ay halos katulad niyaong nasa 1 Cronica 4:32, at sa huling nabanggit na teksto, waring ang Eter ay tinutukoy bilang Token.
Ipinapalagay ng ilang reperensiyang akda na may dalawang Eter, anupat yaong nasa Josue 15:42 ay nasa pagitan ng Libna at Maresa (sa Khirbet el-ʽAter, na nabanggit na), at ang isa naman, na tinukoy sa Josue 19:7, ay malapit sa Ziklag sa dakong T. Gayunpaman, bagaman ang ibang mga bayan na tinukoy sa Josue 19:7 ay pawang nasa T at ang karamihan sa tinukoy sa Josue 15:42 ay nasa gawing H, mapapansin na ang mga tekstong ito ay parehong may binabanggit na bayan ng Asan, at dahil dito’y mahirap sabihin nang tiyakan na magkaiba ang mga ito.