IBLEAM
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “lamunin”].
Isang lunsod sa teritoryo ng Isacar ngunit iniatas sa Manases kasama ang mga sakop na bayan nito. Gayunman, hindi naitaboy ng mga Manasita ang mga Canaanita mula sa Ibleam. (Jos 17:11-13; Huk 1:27) Waring ang Ibleam din ang Bileam sa Manases na ibinigay sa mga Kohatitang Levita. (1Cr 6:70) Ngunit sa katulad na ulat, na bumabanggit ng mga lunsod ng mga Levita sa teritoryo ng kalahati ng tribo ni Manases (Jos 21:25), “Gat-rimon” ang mababasa sa halip na “Bileam” o “Ibleam.” Karaniwan na, ipinapalagay na ito’y isang pagkakamali ng eskriba, anupat malamang na ang “Gat-rimon,” na pangalan ng isang lunsod sa Dan, ay di-sinasadyang naulit mula sa talata 24.
Ipinapalagay na ang Ibleam ay ang Khirbet Belʽameh, na mga 18 km (11 mi) sa TTS ng Megido.
Sa utos ni Jehu, si Haring Ahazias ng Juda ay sinaktan, malapit sa Ibleam, at nang maglaon ay namatay. (2Ha 9:27) Ang dinastiya ni Jehu ay nagwakas nang paslangin si Zacarias sa Ibleam (ayon sa edisyon ni Lagarde ng LXX).—2Ha 15:10-12, JB, NW, RS.