-
Ibinuhos Niya ang Laman ng Kaniyang Puso sa Diyos sa PanalanginAng Bantayan—2010 | Hulyo 1
-
-
Ano ang naging epekto kay Hana ng pagsamba kay Jehova sa tabernakulo at ng pagsasabi sa Diyos ng nilalaman ng kaniyang puso? Sinasabi ng ulat: “Ang babae ay yumaon sa kaniyang lakad at kumain, at ang kaniyang mukha ay hindi na nabahala.” (1 Samuel 1:18) Ganito ang pagkakasabi sa Biblia ng Sambayanang Pilipino: “Wala nang nabakas na lungkot sa kanyang mukha.” Parang nabunutan ng tinik si Hana nang ipapasan niya ang kaniyang mabigat na dalahin sa isa na mas malakas sa kaniya, ang kaniyang Ama sa langit. (Awit 55:22) May problema bang napakabigat para sa Diyos? Wala—wala noon, wala ngayon, wala kailanman!
Kapag nabibigatan tayo o labis na nalulungkot, makabubuting tularan si Hana at sabihin ang ating niloloob sa Isa na tinatawag ng Bibliya na “Dumirinig ng panalangin.” (Awit 65:2) Kung gagawin natin iyon nang may pananampalataya, ang ating kalungkutan ay mapapalitan ng “kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan.”—Filipos 4:6, 7.
-
-
Ibinuhos Niya ang Laman ng Kaniyang Puso sa Diyos sa PanalanginAng Bantayan—2010 | Hulyo 1
-
-
Kailan napag-isip-isip ni Penina na hindi na niya kayang yamutin si Hana? Hindi sinasabi ng Bibliya, pero ipinahihiwatig ng mga pananalitang “hindi na nabahala” na naging masaya na si Hana mula noon. Hindi na umeepekto ang pang-iinis ni Penina. Hindi na binanggit pa ng Bibliya ang kaniyang pangalan.
-