-
Kumilos Siya Nang May KaunawaanAng Bantayan—2009 | Hulyo 1
-
-
Tularan ang Kanilang Pananampalataya
Kumilos Siya Nang May Kaunawaan
KITANG-KITA ni Abigail ang pag-aalala sa mga mata ng kabataang lalaki. Takót na takót ito—at may makatuwirang dahilan naman. May nagbabantang panganib. Nang pagkakataong iyon, paparating ang mga 400 mandirigma na determinadong patayin ang lahat ng lalaki sa sambahayan ni Nabal, ang asawa ni Abigail. Bakit?
Dahil ito kay Nabal. Gaya ng dati, naging malupit na naman siya at walang-galang. Pero sa pagkakataong ito, nagkamali siya ng ininsulto—ang minamahal na kumandante ng isang grupo ng tapat at bihasang mga mandirigma. Ngayon, isa sa mga kabataang lingkod ni Nabal, malamang na isa sa kaniyang mga pastol, ang lumapit kay Abigail na nagtitiwalang makakaisip siya ng paraan para iligtas sila. Pero ano naman ang magagawa ng isang babae laban sa isang grupo ng mga mandirigma?
-
-
Kumilos Siya Nang May KaunawaanAng Bantayan—2009 | Hulyo 1
-
-
“Sinigawan Niya Sila ng mga Panlalait”
Lalo pang pinahirap ni Nabal ang sitwasyon ni Abigail. Ang lalaking ininsulto niya ay walang iba kundi si David. Siya ay isang tapat na lingkod ni Jehova, na pinahiran ng propetang si Samuel dahil pinili siya ng Diyos para humalili kay Saul bilang hari. (1 Samuel 16:1, 2, 11-13) Naninirahan si David sa ilang kasama ang kaniyang 600 tapat na mga mandirigma dahil nagtatago siya sa naiinggit na si Haring Saul na gustong pumatay sa kaniya.
-
-
Kumilos Siya Nang May KaunawaanAng Bantayan—2009 | Hulyo 1
-
-
Galít na galít siya! “Sinigawan niya sila ng mga panlalait”—ganiyan inilarawan ng kabataang lalaki kay Abigail ang nangyari. Nagsisigaw si Nabal at ipinagdamot ang mahahalagang bagay na mayroon siya—tinapay, tubig, at hayop na kinatay niya. Minaliit niya si David at ikinumpara sa isang naglayas na alipin. Maaaring si Nabal ay tulad ni Saul na napopoot kay David. Pero ibang-iba sa kanila si Jehova. Mahal ng Diyos si David at para sa Kaniya, hindi siya isang rebeldeng alipin kundi ang magiging hari ng Israel.—1 Samuel 25:10, 11, 14.
-
-
Kumilos Siya Nang May KaunawaanAng Bantayan—2009 | Hulyo 1
-
-
Nakita natin ang unang hakbang na ginawa ni Abigail upang itama ang napakasamang ginawa ng kaniyang asawa. Di-gaya ni Nabal, handa siyang makinig. Ganito ang sinabi ng kabataang lingkod tungkol kay Nabal: “Napakawalang-kabuluhang tao niya upang kausapin pa siya.”c (1 Samuel 25:17) Nakalulungkot, hindi nakinig si Nabal dahil mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili. Karaniwan din sa ngayon ang ganiyang kahambugan. Pero alam ng kabataang lingkod na iba si Abigail, kaya nga siya ang nilapitan nito.
-