BET-CAR
[Bahay ng Barakong Tupa].
Isang lugar na binanggit sa ulat noong talunin ng Israel ang mga Filisteo sa Mizpa. Tinugis ng mga Israelita ang tumatakas na mga Filisteo “hanggang sa timog ng Bet-car.” (1Sa 7:11) Sinasabi ng marami na ang Bet-car ay siya ring Bet-hakerem (Jer 6:1; Ne 3:14), na ipinapalagay naman ng ilan bilang ang ʽAin Karim (ʽEn Kerem), mga 7.5 km (4.5 mi) sa KTK ng Temple Mount sa Jerusalem. Kung susundin ang rutang iyan, malamang na mula sa Mizpa ay dumaan ang mga Filisteo sa malalim na Wadi beit Hanina pababa sa Libis ng Sorek patungo sa Kapatagan ng Filistia.—Tingnan ang BET-HAKEREM.