-
Naghintay Siya at Naging MapagbantayAng Bantayan—2008 | Abril 1
-
-
Nilapitan ni Elias si Ahab at sinabi rito: “Umahon ka, kumain ka at uminom; sapagkat may hugong ng ingay ng ulan.” (Talata 41) Natauhan na kaya ang balakyot na haring ito matapos masaksihan ang mga nangyari nang araw na iyon? Hindi nagbibigay ng espesipikong sagot ang ulat, pero wala tayong makikitang palatandaan na si Ahab ay nagsisi, o nakiusap man sa propeta na tulungan siyang lumapit kay Jehova upang humingi ng tawad. Sa halip, si Ahab ay basta “umahon upang kumain at uminom.” (Talata 42) Ano naman ang ginawa ni Elias?
-
-
Naghintay Siya at Naging MapagbantayAng Bantayan—2008 | Abril 1
-
-
Sabik si Elias na makita ang tanda na malapit nang kumilos si Jehova, kaya pinaakyat niya ang kaniyang tagapaglingkod sa isang mataas na dako para tingnan kung may nagbabadyang ulan. Nang bumalik ang tagapaglingkod, matamlay niyang sinabi: “Wala akong nakikita.” Maaliwalas ang kalangitan. Pero sandali, may napansin ka bang kakaiba? Tandaan, kasasabi pa lamang ni Elias kay Haring Ahab: “May hugong ng ingay ng ulan.” Bakit kaya sinabi ng propeta ang bagay na iyan gayong wala naman silang makitang makapal na ulap?
Alam ni Elias ang pangako ni Jehova. Bilang propeta at kinatawan ni Jehova, sigurado siyang tutuparin ng kaniyang Diyos ang Kaniyang salita. Sa laki ng tiwala ni Elias, para bang naririnig na niya ang malakas na buhos ng ulan. Ipinaaalaala nito sa atin ang paglalarawan ng Bibliya kay Moises: “Nagpatuloy siyang matatag na parang nakikita ang Isa na di-nakikita.” Totoong-totoo rin ba sa iyo ang Diyos? Nagbibigay siya ng sapat na dahilan para magkaroon tayo ng gayong tiwala sa kaniya at sa kaniyang mga pangako.—Hebreo 11:1, 27.
-