-
“Si Jehova ay . . . Napakamakapangyarihan”Maging Malapít kay Jehova
-
-
15. Ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan sa anong layunin may kaugnayan sa kaniyang mga lingkod, at paano ito itinanghal sa nangyari kay Elias?
15 Ginagamit din ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan upang tayo’y makinabang bilang mga indibidwal. Pansinin ang sinasabi ng 2 Cronica 16:9: “Ang mga mata ni Jehova ay nagmamasid nang mabuti sa buong lupa para ipakita niya ang kaniyang lakas alang-alang sa nagbibigay ng buong puso nila sa kaniya.” Ang karanasan ni Elias, na binanggit sa pasimula, ay isang halimbawa. Bakit kaya siya pinagpakitaan ni Jehova ng kamangha-manghang pagtatanghal ng kapangyarihan ng Diyos? Buweno, isinumpa ng napakasamang reyna na si Jezebel na ipapapatay niya si Elias. Ang propeta ay kasalukuyang tumatakas upang iligtas ang kaniyang buhay. Nakadama siya ng pangungulila, takot, at panghihina ng loob—na para bang nawalan na ng kabuluhan ang lahat ng kaniyang pagpapagal. Upang maaliw ang nababagabag na lalaking ito, buong linaw na ipinaalaala ni Jehova kay Elias ang tungkol sa kapangyarihan ng Diyos. Ang hangin, ang lindol, at ang apoy ay nagpakita na ang pinakamakapangyarihang Persona sa uniberso ay naroroong kasama ni Elias. Ano ang ikakatakot niya kay Jezebel, gayong kapiling niya ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat?—1 Hari 19:1-12.b
-
-
“Si Jehova ay . . . Napakamakapangyarihan”Maging Malapít kay Jehova
-
-
b Sinasabi ng Bibliya na “si Jehova ay wala sa hangin . . . , sa lindol . . . , sa apoy.” Di-gaya ng mga sumasamba sa maalamat na mga diyos ng kalikasan, ang mga lingkod ni Jehova ay hindi naghahanap sa kaniya sa loob ng mga puwersa ng kalikasan. Pagkalaki-laki niya para magkasya sa loob ng anumang bagay na nilalang niya.—1 Hari 8:27.
-