PAMATAY NG APOY, MGA
Ang salitang Hebreo na mezam·meʹreth, na isinasalin sa iba’t ibang paraan bilang “mga pamatay-apoy” (AS), “mga kutsilyo” (JB), at “mga pamatay ng apoy” (NW), ay hinalaw sa salitang-ugat (za·marʹ) na nangangahulugang “gupitan; pungusan.” Kaya naman naniniwala ang ilan na tumutukoy ito sa mga kagamitang tulad-gunting na panggupit ng mga mitsa ng lampara. Gayunman, ang tanging natitiyak tungkol sa mga kagamitang ito ay na ang mga ito’y gawa sa ginto o tanso at ginamit may kaugnayan sa mga paglilingkod sa templo.—1Ha 7:50; 2Ha 12:13; 25:14; 2Cr 4:22; Jer 52:18.