GIRGASITA, (MGA)
Isang bayan na nagmula kay Ham sa pamamagitan ni Canaan. (Gen 10:6, 15, 16; 1Cr 1:8, 13, 14) Ang mga Girgasita ay nanirahan sa K ng Jordan. Bagaman makapangyarihang bayan, sila at anim na iba pang bansang Canaanita ay dumanas ng pagkatalo, sapagkat ibinigay sila ni Jehova sa mga kamay ng kaniyang bayan. (Deu 7:1, 2; Jos 3:10; 24:11) Tinupad nito ang pangako ng Diyos kay Abraham maraming siglo bago nito. (Gen 15:13-21; Ne 9:7, 8) Ang mga pangalang “Girgas” at “Ben-Girgas,” na natagpuan sa panitikang Ugaritiko, ay binanggit bilang di-tuwirang patunay sa pag-iral ng mga Girgasita.