DISAN
[posible, Antilope].
Isang Seirita at isang shik ng mga Horita sa lupain ng Edom. (Gen 36:20, 21; 1Cr 1:38) Sinasabi ng Genesis 36:28 na ang mga anak ni “Disan” ay sina Uz at Aran, samantalang sinasabi naman ng 1 Cronica 1:42 sa Hebreong tekstong Masoretiko, sa Griegong Septuagint, at sa Syriac na Peshitta na si “Dison” ang kanilang pinagmulan. Ang pagkakaibang ito sa paglalagay ng patinig, lumilitaw na resulta ng pagkakamali ng tagakopya, ay nilinaw ng maraming saling Ingles (AS, KJ, JB, Le, NW, Ro, Yg) sa pamamagitan ng paggamit ng iisang pangalan para sa dalawang tekstong iyon, gaya ng ginawa sa mapanuring rebisyon ni Clement ng Latin na Vulgate.