ASHUR
[posible, Kaitiman].
Ayon sa tekstong Masoretiko, siya ay anak ni Hezron at ipinanganak pagkamatay ng kaniyang ama; apo sa tuhod ni Juda. (1Cr 2:4, 5, 24; tingnan ang HEZRON Blg. 2.) Nagkaanak siya ng pitong lalaki sa kaniyang dalawang asawa. (1Cr 4:5-7) Sinasabi ring siya ang ama ni Tekoa, na lumilitaw na nangangahulugang siya ang nagtatag ng bayan na tinawag sa pangalang iyon.