-
Pinabanal Na KayoAng Bantayan—2013 | Agosto 15
-
-
5, 6. Sino sina Eliasib at Tobia? Ano ang malamang na dahilan kung bakit malapít si Eliasib kay Tobia?
5 Basahin ang Nehemias 13:4-9. Napalilibutan tayo ng maruruming impluwensiya kaya mahirap makapanatiling banal. Kuning halimbawa sina Eliasib at Tobia. Si Eliasib ang mataas na saserdote, at si Tobia naman ay isang Ammonita at malamang na isang mababang opisyal ng pamahalaang Persiano sa Judea. Hinadlangan ni Tobia at ng kaniyang mga kasamahan ang pagsisikap ni Nehemias na itayong muli ang pader ng Jerusalem. (Neh. 2:10) Bawal pumasok sa bakuran ng templo ang mga Ammonita. (Deut. 23:3) Kaya bakit naglaan ang mataas na saserdote ng dako sa isang bulwagang kainan sa templo para sa isang taong gaya ni Tobia?
6 Malapít na kasamahan ni Eliasib si Tobia. Nakapag-asawa si Tobia at ang kaniyang anak na si Jehohanan ng mga babaing Judio, at mataas ang tingin ng maraming Judio kay Tobia. (Neh. 6:17-19) Napangasawa naman ng apo ni Eliasib ang anak na babae ni Sanbalat, na gobernador ng Samaria at isa sa malalapít na kaibigan ni Tobia. (Neh. 13:28) Malamang na dahil sa mga ugnayang iyan kung kaya hinayaan ng mataas na saserdoteng si Eliasib na maimpluwensiyahan siya ng isang mananalansang at di-sumasampalataya. Pero nagpakita ng katapatan si Nehemias kay Jehova nang ihagis niya ang lahat ng muwebles ni Tobia sa labas ng bulwagang kainan.
-
-
Pinabanal Na KayoAng Bantayan—2013 | Agosto 15
-
-
8. Ano ang dapat tandaan ng lahat ng nakaalay na lingkod ni Jehova kung tungkol sa mga kasama?
8 Dapat nating tandaan na “ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali.” (1 Cor. 15:33) Ang ilang kamag-anak natin ay baka hindi mabuting impluwensiya. Noong una, mabuting halimbawa si Eliasib. Lubusan niyang sinuportahan si Nehemias sa muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem. (Neh. 3:1) Pero nang maglaon, ang masamang impluwensiya ni Tobia at ng iba pa ang malamang na nagtulak kay Eliasib na gumawa ng mga bagay na nagparumi sa kaniya sa harap ni Jehova. Ang mabubuting kasama ay nagpapasigla sa atin na makibahagi sa kapaki-pakinabang na mga gawaing Kristiyano, gaya ng pagbabasa ng Bibliya, pagdalo sa mga pulong, at paglilingkod sa larangan. Mahal na mahal natin at pinasasalamatan ang mga kapamilyang nag-uudyok sa atin na gawin ang tama.
-