ASDODITA
[Ng (Mula sa) Asdod].
Isang taong nakatira sa Filisteong lunsod ng Asdod. (Jos 13:3) Tulad ng iba pang mga Filisteo, ang mga Asdodita ay mga inapo ni Ham sa pamamagitan ni Mizraim at ni Casluhim, anupat lumilitaw na nakarating sila sa Canaan mula sa pulo ng Creta.—Gen 10:6, 13, 14; Am 9:7; tingnan ang ASDOD; FILISTIA, MGA FILISTEO.
Sa Nehemias 13:24, ang terminong “Asdodita” ay ikinakapit din sa kanilang wika. Dahil walang anumang rekord ng kanilang salita, hindi matiyak kung ang ginamit nila ay ang sinaunang wikang Filisteo o isang diyalekto na resulta ng maraming siglo ng pamumuno ng mga banyaga.