-
Pintuang-daanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang mga pintuang-daan noon ang sentro ng pagtitipon ng publiko at buhay-publiko. Kadalasang naglalaan noon ng malalawak na lugar, gaya ng liwasan sa harap ng Pintuang-daan ng Tubig sa Jerusalem, malapit sa mga pintuang-daan. (Ne 8:1) Ang mga pintuang-daan ang mga sentro ng balitaan ng lunsod hindi lamang dahil sa pagdating ng mga manlalakbay at mga mangangalakal kundi dahil din sa halos lahat ng mga manggagawa, lalo na yaong mga nagtatrabaho sa bukirin, ay labas-pasok sa pintuang-daan araw-araw. Kaya ang pintuang-daan ang lugar upang makipagtagpo sa iba. (Ru 4:1; 2Sa 15:2) Naroon din ang mga pamilihan, anupat ang ilan sa mga pintuang-daan ng Jerusalem ay maliwanag na ipinangalan sa mga ipinagbibili roon (halimbawa, ang Pintuang-daan ng mga Isda).—Ne 3:3.
-
-
Pintuang-daanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pintuang-daan ng mga Isda. Lumilitaw na nagtayo si Hezekias ng isang bahagi ng pader sa palibot ng ikalawang purok hanggang sa Pintuang-daan ng mga Isda. (2Cr 32:5; 33:14) Sa mga ulat ni Nehemias tungkol sa muling pagtatayo at sa prusisyon, ang Pintuang-daan ng mga Isda ay nasa K ng Pintuang-daan ng mga Tupa, marahil ay malapit sa H dulo ng Libis Tyropoeon. (Ne 3:3; 12:39) Binabanggit ito kasama ng ikalawang purok sa Zefanias 1:10. Maaaring ito ang ipinangalan sa pintuang-daang ito dahil malapit ito sa pamilihan ng mga isda kung saan nagbibili ng mga isda ang mga taga-Tiro.—Ne 13:16.
-