-
“Mananatili Akong Tapat”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
Pero matibay ang pananampalataya ni Job. Kitang-kita ito sa kaniyang mga sinabi sa mahabang pagtatalong iyon—mga salitang totoo, masarap pakinggan, at nakakapagpatibay sa ngayon. Sa tulong ng Diyos, nailarawan niya ang kahanga-hangang mga nilalang, at niluwalhati ang Diyos. Halimbawa, sinabi niyang “ibinibitin [ni Jehova] ang mundo sa kawalan,” isang katotohanang nalaman lang ng mga siyentipiko pagkaraan ng daan-daang taon.b (Job 26:7) Binanggit din ni Job ang pag-asa niya sa hinaharap, pag-asang pinanghahawakan din ng ibang tapat na lalaki. Naniniwala si Job na kapag namatay siya, aalalahanin siya ng Diyos, at bubuhayin siyang muli.—Job 14:13-15; Hebreo 11:17-19, 35.
-
-
“Mananatili Akong Tapat”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
b Ayon sa alam natin, mga 3,000 taon pa ang lumipas bago tinanggap ng mga siyentipiko ang ideya na ang lupa ay hindi kailangang nakapatong sa anumang bagay o substansiya. Napatunayan lang ng mga tao na totoo ang sinabi ni Job nang makakita sila ng mga litratong kuha mula sa kalawakan.
-