-
“Kamangha-mangha ang Pagkakagawa” sa AtinAng Bantayan—2007 | Hunyo 15
-
-
Ang Ating Pambihirang Isip
12. Sa anong natatanging paraan naiiba ang tao sa hayop?
12 “Kaya sa akin ay pagkahala-halaga ng iyong mga kaisipan! O Diyos, pagkarami-rami ng hustong kabuuan ng mga iyon! Kung susubukan kong bilangin, ang mga iyon ay mas marami pa kaysa sa mga butil ng buhangin.” (Awit 139:17, 18a) Kamangha-mangha rin ang pagkakagawa sa mga hayop, at ang ilan sa mga ito ay may mga pandamdam at kakayahang nakahihigit sa tao. Pero pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng kakayahang mag-isip na di-hamak na nakahihigit sa mga hayop. “Bagaman tayong mga tao ay may maraming pagkakatulad sa ibang kaurian, tayo lamang sa lahat ng anyo ng buhay sa lupa ang may kakayahang gumamit ng wika at mag-isip,” ang sabi ng isang aklat-aralin sa siyensiya. “Tayo rin lamang ang lubhang interesado sa ating sarili: Paano dinisenyo ang ating katawan? Paano tayo nabuo?” Ang mga tanong na ito ay pinag-isipan din ni David.
13. (a) Paano nakapagbulay-bulay si David sa mga kaisipan ng Diyos? (b) Paano natin matutularan ang halimbawa ni David?
13 Higit sa lahat, di-tulad ng mga hayop, tayo lamang ang may kakayahang magbubulay-bulay sa kaisipan ng Diyos.c Ang espesyal na kaloob na ito ay isang katibayan na nilalang tayo “ayon sa larawan ng Diyos.” (Genesis 1:27) Ginamit na mabuti ni David ang kaloob na ito. Binulay-bulay niya ang katibayan ng pag-iral ng Diyos at ang mabubuti Niyang katangian na makikita sa mga nilalang sa lupa. Nabasa rin ni David ang unang mga aklat ng Banal na Kasulatan, na naglalaman ng mga pagsisiwalat ng Diyos hinggil sa Kaniyang sarili at sa Kaniyang mga gawa. Ang mga kinasihang akdang ito ay tumulong kay David na maunawaan ang mga kaisipan, personalidad, at layunin ng Diyos. Dahil sa pagbubulay-bulay ni David sa Kasulatan, sa mga nilalang, at sa pakikitungo ng Diyos sa kaniya, napakilos siya na purihin ang kaniyang Maylikha.
-
-
“Kamangha-mangha ang Pagkakagawa” sa AtinAng Bantayan—2007 | Hunyo 15
-
-
c Ang mga salita ni David sa Awit 139:18b ay waring nangangahulugan na kung maghapon niyang bibilangin ang mga kaisipan ni Jehova hanggang sa makatulog siya sa gabi, paggising niya sa umaga ay marami pa rin siyang bibilangin.
-