TANONG 6
Ano ang inihula ng Bibliya tungkol sa Mesiyas?
HULA
“Ikaw, O Betlehem Eprata, . . . sa iyo magmumula ang magiging tagapamahala sa Israel.”
KATUPARAN
“Matapos ipanganak si Jesus sa Betlehem ng Judea noong mga araw ng haring si Herodes, ang mga astrologo mula sa Silangan ay dumating sa Jerusalem.”
HULA
“Pinaghahati-hatian nila ang damit ko, at pinagpapalabunutan nila ang kasuotan ko.”
KATUPARAN
“Nang si Jesus ay maipako na ng mga sundalo sa tulos, kinuha nila ang balabal niya at hinati sa apat . . . Kinuha rin nila ang damit niya. Pero wala itong dugtungan at hinabi mula sa itaas hanggang sa ibaba. Kaya sinabi nila sa isa’t isa: ‘Huwag natin itong punitin, kundi magpalabunutan tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.’”
HULA
“Binabantayan niya ang lahat ng kaniyang buto; walang isa man sa mga iyon ang nabali.”
KATUPARAN
“Paglapit nila kay Jesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang mga binti niya.”
HULA
“Sinaksak siya dahil sa mga kasalanan namin.”
KATUPARAN
“Sinaksak ng sibat ng isa sa mga sundalo ang tagiliran ni Jesus, at agad na lumabas ang dugo at tubig.”
HULA
“Ibinigay nila ang aking kabayaran, 30 pirasong pilak.”
KATUPARAN
“Pagkatapos, ang isa sa 12 apostol, na tinatawag na Hudas Iscariote, ay nagpunta sa mga punong saserdote at nagsabi: ‘Ano ang ibibigay ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip siya?’ Pinangakuan nila siya ng 30 pirasong pilak.”