-
Ang mga Itinatanong ng mga Tao Tungkol sa AlakAng Bantayan—1987 | Agosto 1
-
-
Ang mga iba ay nangangatuwiran pa na ang kailangan ay hindi pag-inom ng anumang alak. Ang siniping klerigong taga-Nigeria ay nagsasabi: “Ang Kawikaan 20:1 ay nagsasabing espisipiko na yaong mga umiinom ng alak ay hindi pantas.” At ganito ang sabi ng isa pang predikador: “Kinukondena ng Banal na Kasulatan ang alak sa Aklat ni Isaias,” at tinutukoy ang mga teksto sa Isaias 5:11, 12, at Isa 5:22.
-
-
Ang Alak—Ano ba ang Pangmalas Dito ng Kristiyano?Ang Bantayan—1987 | Agosto 1
-
-
“Hindi Pantas”—Para Kanino?
Ibig bang sabihin nito na ang alak ay lubusang ipinagbabawal sa mga Kristiyano? Kumusta naman ang sinabi ng klerigo, na binanggit sa naunang artikulo, at ipinagpapalagay na nakasalig sa Kawikaan 20:1, na “ang pantas na mga tao ay hindi umiinom ng anumang alak.” Ganito ang pagkasalin ng King James Version sa talatang ito: “Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo: at sinumang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.” Muli, dito’y hindi minamasamâ ng Bibliya yaong mga umiinom ng alak kundi, bagkus, yaong mga naililigaw nito! “Silang nagpapakasawa sa alak” at ang “malalakas uminom ng alak”—ito ang mga “hindi pantas.”
-