-
Handa Ka Na Bang Magpabautismo?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
5. Harapin ang mga nakakapigil sa iyo na magpabautismo
Kapag inialay natin ang sarili natin kay Jehova at nagpabautismo na tayo, may mga problema talaga tayong haharapin. Tingnan ang isang halimbawa. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Anong mga hadlang ang kailangang harapin ni Narangerel para makapaglingkod siya kay Jehova?
Paano nakatulong ang pag-ibig niya kay Jehova para maharap ang mga ito?
Basahin ang Kawikaan 29:25 at 2 Timoteo 1:7. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Paano tayo magkakaroon ng lakas ng loob para maharap ang mga hadlang?
-
-
Makakayanan Mo ang Pag-uusigMasayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
Ngayon pa lang, kailangan nating patibayin ang pagtitiwala natin kay Jehova. Araw-araw na manalangin sa kaniya at magbasa ng Salita niya. Regular na dumalo sa mga pulong ng kongregasyon. Tutulong ang mga ito para magkaroon tayo ng lakas ng loob na harapin ang anumang pag-uusig kahit manggaling pa ito sa mga kapamilya natin. Madalas pag-usigin si apostol Pablo, kaya sinabi niya: “Si Jehova ang tumutulong sa akin; hindi ako matatakot.”—Hebreo 13:6.
Magkakaroon din tayo ng lakas ng loob kung regular tayong mangangaral. Kapag nangangaral tayo, natututo tayong magtiwala kay Jehova at nawawala ang takot natin sa mga tao. (Kawikaan 29:25) Habang lumalakas ang loob nating mangaral ngayon, mas nagiging handa tayong patuloy na mangaral kahit ipagbawal pa ng gobyerno ang gawain natin.—1 Tesalonica 2:2.
-