-
“Maligaya ang Taong Nakasumpong ng Karunungan”Ang Bantayan—2001 | Marso 15
-
-
“Patuloy Itong Sumisigaw Nang Malakas”
Ang kabanata 8 ng Kawikaan ay nagsisimula sa isang retorikang tanong: “Hindi ba patuloy na tumatawag ang karunungan, at ang kaunawaan ay patuloy na naglalakas ng kaniyang tinig?”a Oo, ang karunungan at kaunawaan ay patuloy na tumatawag, ngunit hindi gaya ng ginagawa ng imoral na babae na nag-aabang sa madidilim na dako at bumubulong ng mapang-akit na mga salita sa pandinig ng kabataang nag-iisa at walang muwang. (Kawikaan 7:12) “Sa taluktok ng matataas na dako, sa tabi ng daan, sa may salubungan ng mga landas ay nakatayo ito. Sa tabi ng mga pintuang-daan, sa bukana ng bayan, sa entrada ng mga pasukan ay patuloy itong sumisigaw nang malakas.” (Kawikaan 8:1-3) Ang malakas at walang-takot na tinig ng karunungan ay maririnig nang buong-linaw sa mga lugar na pampubliko—sa mga pintuang-daan, sa mga salubungan ng mga lansangan, sa mga pasukan ng lunsod. Madaling marinig ng mga tao ang tinig na iyan upang makatugon.
Sino ang makatututol na ang makadiyos na karunungan na nakaulat sa kinasihang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay makukuha ng lahat halos ng mga taong nasa lupa na naghahangad na magkamit nito? “Ang Bibliya ang aklat na may pinakamaraming mambabasa sa kasaysayan,” ang sabi ng The World Book Encyclopedia. Dagdag pa nito: “Mas marami ng kopya ng Bibliya ang naipamahagi kaysa sa alinmang ibang aklat. Ang Bibliya ay naisalin na rin nang mas maraming ulit, at sa mas maraming wika, kaysa sa alinmang ibang aklat.” Yamang ang buong Bibliya o ang ilang bahagi nito ay makukuha sa mahigit sa 2,100 wika at diyalekto, mahigit sa 90 porsiyento ng sangkatauhan ang makababasa ng kahit ilang bahagi lamang ng Salita ng Diyos sa kanilang sariling wika.
Ipinahahayag ng mga Saksi ni Jehova sa publiko sa lahat ng dako ang mensahe ng Bibliya. Sa 235 lupain, aktibo silang nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at nagtuturo sa mga tao ng mga katotohanang matatagpuan sa Salita ng Diyos. Ang kanilang salig-sa-Bibliyang mga babasahin na Ang Bantayan, na inilalathala sa 140 wika, at Gumising!, na inililimbag sa 83 wika, ay may sirkulasyon na mahigit sa 20 milyon bawat isa. Ang karunungan ay talagang patuloy na sumisigaw nang malakas sa mga lugar na pampubliko!
-
-
“Maligaya ang Taong Nakasumpong ng Karunungan”Ang Bantayan—2001 | Marso 15
-
-
a Ang salitang Hebreo para sa “karunungan” ay nasa kasariang pambabae. Dahil dito, ang ilang salin ay gumagamit ng mga panghalip na pambabae kapag tumutukoy sa karunungan.
-