-
Masiyahan sa Personal na Pag-aaral sa Salita ng DiyosAng Bantayan—2002 | Disyembre 1
-
-
9 Nagpapatuloy siya: “Kung patuloy mo itong [kaunawaan] hahanapin na gaya ng pilak, at patuloy mo itong sasaliksikin na gaya ng nakatagong kayamanan, . . .” (Kawikaan 2:4) Ipinaaalaala nito sa atin ang mga pagmimina ng mga lalaking naghahanap ng tinatawag na mahahalagang metal na pilak at ginto sa loob ng maraming siglo. Pumatay ang mga tao para lamang sa ginto. Ginugol naman ng iba ang kanilang buong buhay upang masumpungan lamang ito. Gayunman, ano ba ang tunay na halaga ng ginto? Kung ikaw ay mawala sa isang disyerto at mamamatay na sa uhaw, alin ang pipiliin mo: isang bara ng ginto o isang baso ng tubig? Subalit, kaysigasig nga ng mga tao sa paghahanap ng ginto, sa kabila ng di-nagtatagal at pabagu-bagong halaga nito!a Di-hamak na dapat na maging mas masigasig tayo sa paghahanap ng karunungan at kaunawaan hinggil sa Diyos at sa kaniyang kalooban! Ngunit ano ba ang mga kapakinabangan ng gayong pagsasaliksik?—Awit 19:7-10; Kawikaan 3:13-18.
-
-
Masiyahan sa Personal na Pag-aaral sa Salita ng DiyosAng Bantayan—2002 | Disyembre 1
-
-
a Sapol noong 1979, ang halaga ng ginto ay naging pabagu-bago mula sa napakataas na presyo na $850.00 bawat 31 gramo noong 1980 hanggang sa mababang presyo na $252.80 bawat 31 gramo noong 1999.
-