-
Ano ang Tamang Pangmalas sa Pera?Gumising!—2007 | Hunyo
-
-
Ang Pangmalas ng Bibliya
Ano ang Tamang Pangmalas sa Pera?
“ANG salapi ay pananggalang,” ang sabi ng Bibliya. (Eclesiastes 7:12) Dahil ang pera ay ipinambibili ng pagkain, damit, at tirahan, nagsisilbi itong proteksiyon laban sa mga problemang dulot ng kahirapan. Oo, sa materyal na paraan, kayang ibigay ng pera ang halos lahat ng bagay. ‘Nakatutugon ito sa lahat ng bagay,’ ang sabi ng Eclesiastes 10:19.
-
-
Ano ang Tamang Pangmalas sa Pera?Gumising!—2007 | Hunyo
-
-
Isang Bagay na Nakahihigit sa Pera
Nang sabihin ni Haring Solomon na ang salapi ay nagsisilbing pananggalang, sinabi rin niya na “ang karunungan ay pananggalang” dahil ‘iniingatan nitong buháy ang mga nagtataglay nito.’ (Eclesiastes 7:12) Ano ang ibig niyang sabihin? Tinutukoy rito ni Solomon ang karunungang nakasalig sa tumpak na kaalaman sa Kasulatan at sa kaayaayang pagkatakot sa Diyos. Dahil nakahihigit ito sa pera, naiingatan ng gayong makadiyos na karunungan ang isang tao mula sa maraming problema sa buhay at maging sa maagang pagkamatay. Gayundin, tulad ng isang korona, niluluwalhati ng tunay na karunungan ang mga nagtataglay nito at natatamo nila ang paggalang ng iba. (Kawikaan 2:10-22; 4:5-9) At yamang nakakamit ng isa ang lingap ng Diyos dahil sa karunungang ito, tinawag itong “punungkahoy ng buhay.”—Kawikaan 3:18.
Ang gayong karunungan ay tiyak na makakamit ng mga taimtim na naghahangad at naghahanap nito. “Anak ko, kung . . . tatawag ka ukol sa pagkaunawa at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan, kung patuloy mo itong hahanapin na gaya ng pilak, at patuloy mo itong sasaliksikin na gaya ng nakatagong kayamanan, kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos. Sapagkat si Jehova ay nagbibigay ng karunungan; sa kaniyang bibig ay nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan.”—Kawikaan 2:1-6.
-