FEATURE Ang mga Hayop sa Bibliya Ginamit ang mga kambing upang lumarawan sa mga katangiang di-kanais-nais at sa mga taong balakyot (Zac 10:3; Mat 25:33), ngunit ang mga kambing na inihandog bilang hain ay ginamit din upang magsilbing larawan ng hain ni Kristo (Heb 9:12) Sa isang mahusay na ilustrasyon, sinabi ni Jesus na mas madali pa sa isang kamelyo na makalusot sa butas ng karayom na panahi kaysa sa isang taong mayaman na makapasok sa Kaharian (Luc 18:25) Iniiwasan ng mailap na asno ang mga lugar na tinatahanan ng mga tao. Tumahan si Nabucodonosor kasama ng ganitong mga hayop noong panahong mabaliw siya nang pitong taon (Dan 5:21) Ginamit ang mga gasela bilang sagisag ng kagandahan (Sol 2:9) at ng bilis (1Cr 12:8)